Nora Aunor, Inamin ang Matinding Pagmamahal kay Tirso Cruz III: ‘Minahal Ko Talaga Siya!’

Nora Aunor, inaming pinagsabay noon ang limang lalake.

nora aunor tirso cruz III

Nora Aunor on past relationship with Tirso Cruz III: “Kapag nag-aaway kami, ay, iinom ako noon! Tapos pupunta ako sa bahay niya. Hindi ako papapasukin. Patatahulan ako dun sa aso. Pero hanggang magdamag yon, nandoon ako sa labas. Iyak daw ako… Nandoon ako sa labas, tapos makikita ko yung fans nagdadatingan. Mabuti hindi ako nakikita kasi dumadausos ako sa loob ng sasakyan… sobrang pagmamahal.”

Tirso Cruz III on Nora Aunor's revelation : r/newsPH

Ang pangalan ni Tirso Cruz III, at hindi si Christopher de Leon, ang isinagot ni Nora Aunor nang itanong ni Boy Abunda kung “Boyet o Pip” sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, February 20, 2023.

Isa itong matibay na indikasyon na, hanggang sa kasalukuyan, may pagmamahal at itinatangi pa rin ng batikang aktres ang dating karelasyon at ka-love team.

Hindi lamang ang matinding pagmamahal kay Tirso ang ipinagtapat ng personalidad na hinirang na National Artist for Film and Broadcast Arts noong June 2022. Nagsalita rin siya tungkol sa diumano’y “one way” na relasyon nila at ang pakikipagrelasyon niya nang sabay-sabay sa limang lalake.

Sabi ni Nora, “Masarap umibig, kaya nga lang, katulad nung mga nangyari sa akin, yung pag-ibig hindi kinakailangan isama o ipantay sa trabaho kasi nagsa-suffer yung trabaho.

Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor's Revelation about Love for Him

“Pero masarap umibig kahit hindi ka niya pinapansin o alam mo na hindi ka niya totoong love. Pero sa yo, ikaw, yung puso mo para sa kanya, masaya na ako.”

Tanong ni Boy: “Mahal na mahal mo pero hindi ka sinusuklian?”

Related Posts

Our Privacy policy

https://ussports.noithatnhaxinhbacgiang.com - © 2025 News