Shuvee Etrata fulfills dream of becoming a PBB housemate
Shuvee Etrata grateful to fans who supported her PBB journey: “A young probinsyana girl wanting to be a housemate. Decades later, that dream turned into a reality. We made it, tiktok fam!”
PHOTO/S: Sparkle GMA Artist Center on Facebook
Dream come true para kay Shuvee Etrata ang pagkakapasok niya bilang housemate sa sikat na reality show ng ABS-CBN at GMA-7, ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Si Shuvee, kasama ang ka-duo niyang si Klarisse de Guzman, ang latest evictee sa PBB.
Sa tatlong duo nominees for eviction, sila ang nakakuha ng pinakamababang boto na 31.50%.
Ang duo nina Dustin Yu at Bianca de Vera (DusBi) ay nakakuha ng 36.83%, habang ang duo nina AZ Martinez at River Joseph (AZVer) ay nakakuha naman ng 31.67%.
Na-evict ang ShuKla noong June 14, 2025.
Klarisse de Guzman (right) and Shuvee Etrata (left) are the sixth evictees in Pinoy Big Brother: Celebrity Collab.
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube
Shuvee ETRATA FULFILLS her PBB dream
Sa Instagram nitong Lunes, June 16, binalikan ni Shuvee ang naging journey niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Mula sa pangangarap lamang maging official housemate noong siya ay nasa probinsya, natupad ito ngayong edisyon ng PBB.
Ayon kay Shuvee, hindi ito mangyayari kundi dahil sa mga tagahanga niyang sumuporta at nagmahal sa kanya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-create ng content online.
Bago maging talent ng GMA-7, kilala ng marami si Shuvee bilang isang content creator.
Nagsimula siya sa paggawa ng TikTok. Kalimitang content niya ang kanyang buhay sa Bantayan Island.
Mababasa sa Instagram post ni Shuvee (published as is): “Hello Philippines, Hello World!
“It all started with a dream. A young probinsyana girl wanting to be a housemate.
“Decades later, that dream turned into a reality. We made it, tiktok fam!”
Bagamat hindi nakaabot sa Big Night, taus-pusong nagpasalamat si Shuvee sa lahat ng sumuporta at nasa likod ng kanyang tagumpay sa PBB.
Mula sa fans nila ng ka-duo niyang si Klarisse, sa home network niyang GMA-7, kanyang pamilya, hanggang sa malalapit na kaibigan.
Aniya: “Thank you po sa lahat ng sumuporta sa akin at sa Team Shukla! Mahal na mahal namin kayo. Ate @klarissedguzman, thank you for being my final duo.
“Lubos din akong nagpapasalamat sa aking home network, [GMA-7] at sa Sparkle GMA Artist Center for believing in me.
“Especially to you, Ms. @joymarcelo1115 and Ms. @annettegozonvaldes.”
Ang “Joy Marcelo” na tinutukoy ni Shuvee ay ang Sparkle GMA Artist Center vice-president.
Si Atty. Annette Gozon-Valdes ay senior vice-president for programming, talent management, worldwide and support group and president of GMA Films.
Dagdag pa ni Shuvee: “To team Shuvee, @jannavarro74 and Ate @isabelbulatao, thank you!
“I hope I made you all proud.
“To my family, di ako susuko. Patuloy akong lalaban para sa pangarap.
“Thank you babes, Ashley Ortega, Roxie Smith, Skye Chua, Mavy Legaspi, Karl Adolfo, at Anthony Constantino for welcoming me back. Im so grateful for you all.”
Sa huli, nagpasalamat si Shuvee sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng PBB na makakilala ng mga bagong kaibigan at ipakita ang kanyang talento sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Saad niya, “Lastly, thank you PBB for this opportunity. Maraming salamat sa pagkakataon na nakasama ko ang mga housemates!
“Beyond grateful for this experience.”
“Shuvee Etrata po, ang Island Ate ng Cebu, Signing off.”